MGA SITWASYON GAMIT ANG WIKA SA LIPUNAN Regulatoryo hal. Bagaman unang subok ni Esther na magluto ng cake naging masarap ang kinalabasan ng kanyang niluto dahil matamang sinunod niya ang paraan ng pagluto nito. Heuristiko hal. Litong lito si Ana sa dami ng kanilang takdang gawain kaya naisipan na lamang niyang pumunta sa silid aklatan upang magsaliksik. Personal hal. Nais ni Shiela na ipahayag ang kanyang tunay na nararamdaman sa kanyang matalik na kaibigan ngunit nahihiya siyang sabihin ito kaya napag-isipan na lamang niyang itago at isulat sa kanyang dairy,dito niya naipapahayag ang kanyang damdamin. Interaksiyonal hal. Sumalat ng liham pangkaibigan si Ross upang maipahayag niya ang kanyang saloobin nang sila ay nagkaroon ng alitan noong nakaraang araw sa kanyang kaibigan. Instrumental hal.Nagpag-isipan ni Roger na magtrabaho sa isang kompanya kaya sumulat siya ng liham pangangalakal.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento